Isang pagsusuri sa akdang : MABANGIS NA LUNGSOD ni Efren Reyes Abueg



Pagkilala sa may-akda: 


 Si Efren Abueg ang isa sa mga iginagalang na nobelista, kuwentista, mananaysay, at krititiko ng kaniyang panahon. Sumulat at nag-edit ng maraming mga sangguniang aklat si Abueg at ginagamit hanggang sa kasaluyukan sa kapwa pribado at publikong paaralan, mula sa elementarya, sekundarya hanggang sa kolehiyo. Bukod dito, malimit ilahok ang kaniyang mga kuwento sa mga teksbuk na sinulat ng ibang awtor.  At isa sa mga akdang kanyang mga naisulat ay ang Mabangis na Lungsod.

Uri ng Panitikan:

Ang akdang ito ay isang maikling kwento. Ang Maikling Kwento ay isang akdang pampanitikan na binubuo ng mga elemento katulad ng tauhan, tagpuan at banghay. Ito ay maaring piksyon o di-piksyon na nagmumula sa mga kwento ng totoong buhay o likha lamang ng mambabasa.


Layunin ng may-akda:

Ang may-akda ay naglalayong ipaalala sa atin na hindi lahat ng tao ay pantay pantay.  Sa ating lipunan, mayroong mga mahirap na patuloy na humihirap at may mga mayayaman na patuloy na yumayaman.  Dahil ditto, maraming mga tao ang gumagamit na lamang ng dahas upang makuha at makamit ang mga ninanais.


Tema o Paksa ng akda

Ang teksto ay makatotohanan at napapanahon. Lahat ng tao, ay may kanyang contribusyon sa ating komunidad. At tayo ay may mapagpiliian kung ano gusto natin. Hindi tayo pinipilit ng Diyos na gawin ang gusto niya. Binibigyan tayo ng ang pagkakataon na gawin ang kung anuman gusto natin gawin. Ngunit, sinasabi lang niya na may kahihinatnan ang lahat ng ginagawa natin.


Mga tauhan/ Panahon

Adong- 12 gulang na batang pulubi sa Quiapo.
Aling Ebeng- matandang pilay sa tabi ni adong sa dakong luwasan ng simbahan.
Bruno- isang siga na kinatatakutan ni adong na siyang kumuha sa kanyang pera.
       

Nilalaman/ Balangkas ng mga Pangyayari

Hindi naging isang gasgas ng pangyayari ang inilahad sa akda sapagkat may kaisahanan ang pagkakakapit ng mga pangyayari mula simula hanggang wakas. Dati na ang mga pangyayaring may bagong bihis, anyo, anggulo, at pananaw. Walang kakaiba sa nilalaman ng akda, sapagkat ipinapakita lang nito ang mga totoong pangyayari sa lipunang ating ginagalawan ngayon. Naging dominante na naganap ang mga pangyayari sa tapat ng Simbahan ng Quiapo.


Mga kaisipan/ ideyang taglay ng akda

Ang mga kaisipan ay sumalungat din. Ito ay may katotohanang unibersal, likas sa tao at lipunan. Ang akdang pampanitikan ay nagtataglay at nagpapaliwanag sa mga kaisipang umiiral, tinatanggap at pinatutunayan ng mga tiyak na sitwasyon at maging sariling karanasan may akda.


Istilo ng pagkakasulat ng akda

Para sa akin mabisa ang istilo na ginamit sa pagkakasulat sa nilalaman ng akda. Maayos naman maganda ang pagkakasulat parang batay sa mga totoong ngyayari. Angkop lamang sa antas ng pang-unawa ng mga mambabasa ang pagkakabuo ng akda. Kung kaya masasabi kong epektibo ang paraan ng paggamit ng mga salita sa akda.

Buod

                             Ang kwento ay umiikot sa batang si Adong na gumigising ng maaga at nagtutungo sa Quiapo upang mamalimos para siya ay magkaroon ng pagkain na kanyang maipantatawid gutom. Si Adong ay labindalawang taong gulang. Sa murang edad ay naranasan na ni Adong ang kahirapan ng buhay. Namuhay rin siya ng walang mga magulang na mag-aaruga sa kanya. Ngunit nagugulat ang mga namamalimos sa tapat ng Simbahan ng Quiapo kapag dumarating na ang mayabang at nagpapaka-haring si Bruno. Lahat sila ay natatakot kay Bruno. Lahat ng kanilang napapalimos ay napupunta lamang kay Bruno.Si Bruno ang nakikinabang ng lahat ng mga ito.

Comments

  1. Ano po yung mga napulot mong aral sa akdang mabangis na lingsod?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Karapatang ipaglaban ang sarili

      Delete
    2. Mali. Ang matutuhan sa akdang ito ay ang kawalan ng suporta ng mga minorya galing sa pamilya, lipunan at sistema. Maipapakitang ang sitwasyon ng mga naninirahan sa labas ng simbahang Quiapo ay kalunos-lunos at nasasadlak sa kahirapan dahil wala namang tulong na natatanggap ang mga tagaroon kahit kanino man. Hindi rin magkakaroon ng miserableng buhay ang batang si Adong kung mayroong suporta galing sa ibang tao lalong-lalo na sa kaniyang mga magulang na dapat sana ay pinupunan ang kaniyang mga pangangailangan.

      Delete
  2. Nasaan po yung Banghay ng Kwento

    ReplyDelete
  3. diba yung istilo ng pagsusulat ay :PAGLALAHAD , PASALAYSAY , PAGLALARAWAN DIBA GANUN

    ReplyDelete
  4. http://DoPartTimeJob.com/?user=2621767

    ReplyDelete
  5. Magandang kwento,pag lalaanan ko to ng oras upang mabasaSakit.info

    ReplyDelete
  6. Anong kultura ang masasalamin sa akda?

    ReplyDelete
  7. Kailan nya po ginawa ang mabangis Na lungsod

    ReplyDelete
  8. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  9. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  10. Paano binigyan solusyon Ang suliranin sa kwento

    ReplyDelete
  11. Mag-bigay po kayo ng 5 aral na puwedeng mapulot sa akda?

    ReplyDelete
  12. Anong panahon po na papa ilang ang akda na ito?

    ReplyDelete
  13. Anong panahon po na papabilang ang akda na ito?

    ReplyDelete
  14. Sino ang pangunahing tauhan sa binasang kada ? Siya ba ay isang tauhang lapad or bilog ? Ipaliwanag?

    ReplyDelete
  15. hello po ano po yung mga naging pagbabago sa buhay ni adong

    ReplyDelete
  16. wala po bang reaksiyong papel nito?

    ReplyDelete
  17. anong panahon naisulat ang akda at ano ang kaugnayan nito sa kasalukuyan

    ReplyDelete
  18. ano ang kaugnayan ng kwento sa buhay natin kasalukuyan?

    ReplyDelete
  19. Anong lipunan ang masasalamin sa kalagayan ni Adong? "MABANGIS NA LUNGSOD"

    ReplyDelete
  20. kailan po naisulat ang kwento na ito?

    ReplyDelete
  21. Lucky Club Live Casino Site - Lucky Club Live
    Lucky Club luckyclub Live is a new Live Casino operated by Relax Gaming and has been established to cater for both traditional and mobile users and casino lovers. All

    ReplyDelete
  22. Ano Ang mahahalagang detalye sa binasa??

    ReplyDelete
  23. Paano ito maiuugnay sa pamilya?

    ReplyDelete
  24. Ano ang kaisipang pansarili ang nakapaloob dito

    ReplyDelete
  25. Ang kwentong ito ay sumasalamin sa lipunan sa Pilipinas noong panahon ng pagsulat ng kwento na ito. Ang halagang piso ay napaka laki na noong dekada 60 (late 60,s to early 70's) panahon ni Marcos yan di ba? Maaaring naghiwalay ang mga magulang ni Andong dahil sa hirap ng buhay, kapag may kapansanan ka, gaya ni Aleng Ebeng pamamalimos lamang ang pwede mong maging hanapbuhay. Pero ang mga nasa kabukiran, nakaka raos naman ng maayos ang pamumuhay, huwag lamang magkakasakit. Dahil sa maynila lang mayroong Heart center, Lung Center, etc para mag cater sa mayayaman. Kapag mahirap ka hindi ka makaluwas ng Maynila. Marami ang mamamasukang katulong para makarating sa Maynila. Napakahirap maging mahirap sa Maynila noon at ngayon.

    ReplyDelete
  26. Maiuugnay ito sa pamilya na hindi nabigkis ng kasal, madaling maghiwalay, walang commitment, nakaka awa ang napabayaang anak. Maaaring kapwa nag asawa ng iba ang mga magulang ni Andong. Malayo naman ang probinsya ng lolo at lola niya para maalagaan siya. Inisip siguro ng kanyang mga magulang na malaki na si Andong at kaya na niyang buhayin ang kanyang sarili. Hindi rin naturuan na magdasal at manalig sa Diyos si Andong dahil kahit doon siya sa Quiapo sa harap ng simbahan namamalimos, hindi siya pumasok sa simbahan para magdasal at ilapit sa Diyos ang kanyang problema. Tayo ay Katolikong bansa pero malayo sa simbahan ang mga pamilya. Saan nga ba nagkaroon ng pagkukulang ang lipunan sa kabataang si Andong? Nasaan ang mga pulis na maaaring pagsumbungan ni Andong sa mga panahong iyon? Nakapag grade 1 man lang ba si Andong? O sa kalsada niya natutuhan ang halaga ng pera?

    ReplyDelete
  27. Anong kaisipan ang nais ipahayag ng may akda?

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Technologies: Classroom Distraction to Learning Attraction