Isang pagsusuri sa akdang : MABANGIS NA LUNGSOD ni Efren Reyes Abueg
Pagkilala sa may-akda: Si Efren Abueg ang isa sa mga iginagalang na nobelista, kuwentista, mananaysay, at krititiko ng kaniyang panahon. Sumulat at nag-edit ng maraming mga sangguniang aklat si Abueg at ginagamit hanggang sa kasaluyukan sa kapwa pribado at publikong paaralan, mula sa elementarya, sekundarya hanggang sa kolehiyo. Bukod dito, malimit ilahok ang kaniyang mga kuwento sa mga teksbuk na sinulat ng ibang awtor. At isa sa mga akdang kanyang mga naisulat ay ang Mabangis na Lungsod. Uri ng Panitikan: Ang akdang ito ay isang maikling kwento . Ang Maikling Kwento ay isang akdang pampanitikan na binubuo ng mga elemento katulad ng tauhan, tagpuan at banghay. Ito ay maaring piksyon o di-piksyon na nagmumula sa mga kwento ng totoong buhay o likha lamang ng mambabasa. Layunin ng may-akda: Ang may-akda ay naglalayong ipaalala sa atin na hindi lahat ng tao ay pantay pantay. Sa ating lipunan, mayroong mga mahirap na patuloy na humi...